ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Magnitude 5.2 na lindol, yumanig sa ilang bahagi ng Ilocos Region


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol nitong Huwebes ng umaga ang ilang bahagi ng katimugang Luzon, batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing  naramdaman ang Intensity 4 na pagyanig sa Bangued, Abra; gayundin sa lungsod ng Vigan at mga bayan ng Sto Domingo, Bantay, Caoayan, San Vicente, Sta Catalina, Sta Narvacan sa Ilocos Sur. Intensity 3 naman ang naramdaman sa mga bayan ng Sinait, Magsingal, San Ildefonso sa Ilocos Sur; gayundin sa Callao at Penablanca sa Cagayan, at sa Laoag City sa Ilocos Norte. Naramdaman naman ang Intensity 2 sa Bucay, Abra. Sinabi sa ulat na walang inaasahang pinsala ang Phivolcs na maidudulot ng naganap na lindol. - FRJ, GMA News

Tags: lindol, ilocos