ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking naka-motorsiklo, nasawi matapos tangayin ng baha sa Davao City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang lalaki ang nasawi matapos tangayin ng malakas na agos ng baha sa Davao City bunga ng pag-apaw ng isang creek dulot ng malakas na pag-ulan nitong Miyerkules. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes, sinabi ng ilang residente na pinigilan nila ang biktima na huwag tawirin ang baha sakay ng kanyang motorsiklo. Subalit hindi umano nakinig ang lalaki at tumawid pa rin sa baha, na nataon naman sa biglang pagragasa ng tubig mula sa creek. Nakita nitong umaga ng Huwebes ang mga labi ng lalaki, at humupa na rin ang baha.   Sa mensahe naman ng Davao City government sa kanilang Facebook account, sinabing nagkaroon ng flash floods sa Tansi sa Baguio district dakong 4 p.m. nitong Miyerkules. "Strong winds were also reported damaging an undetermined number of houses along Evergreen St. Sto. Niño, Tugbok," nakasaad sa mensahe.   Naunang nagpaalala ang state weather forecasters na makararanas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Mindanao dahil sa inter-tropical convergence zone. — FRJ, GMA News