Tinatayang P4M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa 2 babae sa Cebu City
Dalawang babae na hinihinalang drug pusher ang nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Cebu City. Nakuha sa kanila ang ilang supot na may lamang pulpos na pinaniniwalaang shabu na may market value na aabot sa P4 milyon. Ayon sa pulisya, sinalakay nila ang iskinita sa Magsaysay St., makaraang makatanggap ng impormasyon na may nagaganap na bentahan ng iligal na droga sa lugar. Nadakip sa nasabing pagsalakay sina Grace Badayos Abellana, 38; at Liza Tero, 31. Hinihinala ng mga awtoridad na miyembro ng isang sindikato ang dalawang babae dahil na rin sa dami ng shabu na nakuha sa kanila. Pero itinanggi ng dalawa na kasapi ang paratang sa kanila, ayon sa ulat ni Choina Carreon sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes. Kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2012. - FRJ, GMA News