ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mag-live in partner na ipinapagamit umano ang bahay sa drug session sa Naga City, dinakip


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Apat katao -- kabilang ang mag-live in partner -- ang dinakip ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon kontra sa iligal na droga sa Naga City, Camarines Sur. Kabilang sa mga dinakip ay si Rowena Zaragoza, may-ari ng sinalakay na bahay sa barangay Liboton, ayon sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes. Ilang pakete ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia ang nakumpiska ng mga awtoridad. Bagaman inamin ni Zaragoza na sa kanila ang bahay, itinanggi naman niya na sa kanila ang mga nakumpiskang iligal na droga. Isa naman sa dalawang lalaking inaresto sa bahay ang umamin na gumagamit sila ng bawal na droga. Sa Pozzorubio, Pangasinan, isang bahay din ang sinalakay ng mga awtoridad matapos makatanggap ng impormasyon na ginamit ang bahay sa drug session. Pito katao ang nadakip at ilang pakete na may laman na pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia ang nakumpiska. - FRJ, GMA News

Tags: illegaldrugs,