ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pag-asa na makitang buhay ang 4 bata na natabunan ng lupa sa Zamboanga, maliit na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patuloy ang ginagawang paghahanap sa apat na batang natabunan ng gumuhong lupa sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay noong nakaraang Martes.   Iniulat ng dzBB radio nitong Biyernes, na hindi pa rin nakikita ang mga bata na sina Fatima Maghanoy, 12; Eugene Maghanoy, 9; Sherlyn Mae Maghanoy, 7; at Ezequiel Mesias, 3.   Sumilong ang mga bata sa isang inabandonang bahay sa Purok 4, barangay Sayao sa bayan ng Kabasalan habang kalakasan ng pag-ulan noong Martes. Hindi nagtagal ay naganap na ang trahedya nang matabunan ng lupa ang bahay.   Aminado naman ang kasama sa search and rescue operation na maliit na lamang ang pag-asa na buhay na makikita ang mga bata dahil sa paglipas ng mga araw.   Nagkakaroon ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa  inter-tropical convergence zone, ayon sa PAGASA. -- JGV/FRJ, GMA News

Tags: landslide