ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mga pinaghihinalaang aborsyonista, minanmanan ng 'Imbestigador'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Imbestigador
Airing Date: June 2, 2013
ASAWA NI MA’AM
Labing dalawang taon na ang nakararaan, isang karumal-dumal na krimen ang naganap. Ang biktima--ang noo’y dose anyos na batang babaeng nasa elementarya. Malapit ang bata sa kanyang guro sa eskuwela. Dahil kapos sa buhay, isa ang guro sa mga tumulong sa kanya para makapag-aral. Nakilala rin ng bata ang asawa ng kanyang titser. Mabait sa kanya ang lalaki noong una, hanggang simulan siyang molestiyahin at halayin. Nagbunga ang ginawang paglapastangan ng suspek sa dalagita. Bagamat patuloy siyang nagparamdam sa pamamagitan ng text, tuluyang hindi nagpakita ang salarin sa biktima. Lingid sa kanyang kaalaman, gumulong ang kaso laban sa kanya. Matapos ang mahabang panahon, muling magtatagpo ang suspek, biktima at ang kanilang anak. Mauwi kaya ito sa paniningil ng hustisya?
LAGLAG?
Tatlong buwan na ang dinadala ni “Ara” sa loob ng kanyang sinapupunan. Pero mahina raw ang kapit ng sanggol. Sa kasamaang palad, tuluyang nawalan ng buhay ang sanggol sa loob. Agad niya itong ipinalinis sa inakala niyang midwives sa kanilang lugar. Pero maging siya, muntik na rin daw malagay sa bingit ng kapahamakan. Sa iba’t ibang dahilan, nagduda si “Ara” sa kanyang napuntahan. Hinala niya, sindikato ng mga naglalaglag ang mga nakilala niya. Sa ginawang pagmanman ng Imbestigador, lumutang ang iba pang karakter na sangkot sa gawain. May ilang ahente ring mistulang tulay ng mga hinihinalang aborsyonista ang nakunan ng kamera. Magkakasabwat nga kaya sila? Ilalaglag kaya nila ang bawat isa?

More Videos
Most Popular