ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga mambabatas, balik sesyon sa Kamara matapos ang mahabang bakasyon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Balik sesyon ang mga kongresista ngayong Miyerkules matapos ang mahabang bakasyon sa kanilang trabaho dahil na rin sa katatapos lamang na eleksyon noong Mayo 13.

Pero sinabi umano ni House of Representatives secretary general Atty. Marilyn Barua-Yap, maaaring huling araw na ito ng kanilang trabaho kung matatapos ng mga mambabatas ngayon ang kanilang mga gagawin dahil mag-a-adjourn na ng 15th Congress, ayon sa ulat ni Weng  Salvacion ng dzBB.

Bukod sa ihahabol lamang ng mga mambabatas sa Kamara ang pagpapatibay ng  ilang mga panukala, gaganapin din Miyerkules ng hapon ang isang seremonya para sa  39 na 3rd-termer na kongresista.

Bibigyan ng congressional plaque at medal ang bawat isa sa mga ito kasama ang hard copy at audio visual production ng kanilang legislative performance.

Subukan nilang ipasa ang panukala na raratipika sa amyenda  ng Juvenile Justice System na magbaba tungo sa 12 taon ang edad ng mga  ituturing na youthful offender.

Kung ang krimen na nagawa ng menor de edad ay may parusang 12 taon pataas at mahatulang guilty ito, ide-detain siya sa isang "repository institution" o kaya'y ilalagay sa kustodiya ng DSWD. — RC /LBG, GMA News