ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Buhawi, muling nanalasa sa Iloilo; anim na barangay sa Calinog, naapektuhan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Anim na barangay sa bayan ng Calinog, Iloilo ang naapektuhan ng mapaminsalang malakas na hangin na nagpabagsak sa isang hanging bridge na nagdudugtong sa dalawang barangay. Sa ulat ni Jennifer Muneza ng GMA-Iloilo sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing tinatayang aabot sa P6 milyon ang pinsalang idinulot ng buhawi. Bukod sa nawasak na hanging bridge na nag-uugnay sa barangay Delgado at Cama Grande, ilang puno at poste rin ng kuryente ang natumba na nagdulot ng pansamantalang brownout sa mga apektadong lugar. Sa tala ng lokal na pamahalaan, umabot sa 25 bahay ang napinsala ng malakas na hangin, at tatlong paaralan ang nawalan ng bubungan. Kaagad naman iniutos ng alkalde ng bayan na bigyan prayoridad ang pagkumpuni sa nawasak na tulay. Noong nakaraang linggo, ilang bayan din sa Iloilo ang sinalanta ng malakas na hangin, ulan at alon. Kabilang dito ang mga bayan ng Estancia, at maging ang lungsod ng Jaro at Iloilo. - FRJ, GMA News

Tags: buhawi, ipoipo