Yasmien Kurdi, Rocco Nacino kalahok sa titulong 'sexiest vegetarian' ng PETA
Kabilang ang Kapuso talents na sina Yasmien Kurdi at Rocco Nacino sa mga Pilipinong kalahok para sa titulong "Sexiest Vegetarian Celebrity" ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia ngayong taon.
Kalahok din sina Jinri Park ng "Vampire ang Daddy Ko," Raymond Bagatsing ng "Mga Basang Sisiw," Chin-Chin Gutierrez, Maricel Laxa-Pangilinan at mga modelong sina Sandra Seifert at Julia Sniegowski.
Kabilang din sa listahan ang FHM cover girls na sina Alicia Mayer, Amanda Griffin-Jacob, at Geneva Cruz, gayundin ang mga musikerong sina Lougee Basabas, Nityalila Saulo, at Cynthia Alexander.
Bukod sa Pinoy celebrities, kalahok din ang international stars tulad ng mga musikerong sina Jason Mraz at Paul McCartney, talk show host Ellen DeGeneres, at mga artistang sina Natalie Portman, Tobey Maguire, Jared Leto, Maggie Q, Anne Hathaway, at "Glee" star Lea Michele.
Ang PETA ay isang organisasyon na nagsusulong sa pagkain ng mga gulay sa halip na karne dahil sa kanilang kampanya kontra sa pagmamalupit sa hayop.
"When you look at the gorgeous celebrities in this year's contest, it's clear that eating vegetarian meals makes you beautiful inside and out," pahayag ni Jason Baker, PETA Asia vice president for international operations sa isang press release.
"After all, going vegetarian is the best thing that you can do for animals, the Earth, and yourself. Plus, everyone knows that there's nothing sexier than someone who exudes both passion and compassion," dagdag pa niya.
Noong 2012, ang modelong si Sandra Seifert ang itinanghal ng PETA bilang sexiest vegetarian celebrity sa Pilipininas.
Sa mga nagnanais bumoto, bisitahin ang website na PETAAsiaPacific.com. Bukas ang botohan hanggang Hunyo 18. — Mac Macapendeg/KBK, GMA News