ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang sorpresa ni Ryzza Mae Dizon sa kanyang fan, tampok sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ang siyam na taong gulang na si Gillien ay may maselan na sakit, siya ay may hydrocephalus. Ang karamdamang din ito ang naglilimita sa kanyang pagkilos, kaya madalas ay buhat siya ng kanyang mga magulang. Ngunit sa kabila ng kanyang kalagayan, masayahin siyang bata. At isa sa nagpapaligaya sa kanya, ay ang paghangga sa “Aleng Maliit” ng telebisyon na si Ryzza Mae Dizon! Sana nga raw ayon kay Gillien, makilala niya sa personal ang paboritong batang TV Host para raw makipagkulitan sa kanya kahit saglit lang.

Sa isang pampublikong aklatan sa probinsya ng Quezon, may isang binatilyo raw na madalas makita rito. Ayon sa bantay ng library na si Carlo, deretso raw agad ang lalaki sa pinapagamit nilang computer na may libreng internet. Naobserbahan din niya na malungkot ang misteryosong binata. Nang masilip ni Carlo kung ano ang pinagkakaabalahan ng lalaki, gumagawa pala ito ng sulat. Ang ngalan ng binata ay Ezekiel at nakasaad sa kanyang liham ay ang kanyang buhay na puno ng pagsubok at problema.

Noong nakaraang taon, naipalabas ang kuwento ng isang inmate na si John. Sa kanyang pagkakapiit, binabayaran niya ang mga kasalanan ng kanyang nakaraan. At tila dagdag daw sa parusa kay John, ay malayo sa kanyang anak. Kung may sala siya sa lipunan, mas matindi raw ang nagawa sa anak sa pagtalikod at pagkukulang niya bilang ama. Nang dahil sa Wish Ko Lang!, muling nagkita sila ng anak at ang mga puwang sa kanilang mga puso ay napunan na. Nitong nakaraang Abril, lumaya na si John at patuloy ang pagtahak niya raw sa daan ng pagbabago.

Darating pa ba ang inaasahang pag-asa ni Ezekiel? Kamustahin ang ex-convict na si John… At ang sorpresa ni Ryzza Mae kay Gillien… Abangan sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.
Tags: plug