ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Sumama sa adventures ni Mikael Daez ngayong Sabado sa 'Follow that Star'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Practical tips from Kapuso star Mikael Daez:

“PARA TUMAGAL AT MAGING MATIBAY ANG MAONG PANTS, HUWAG ITONG LALABHAN AT ITAGO SA LOOB NG REFRIGERATOR.”

Weird but true! 'Yan ang tip na binigay ni Mikael Daez sa "Follow that Star" nang pinasok namin ang magulo niyang kwarto at nilibot ang bawat sulok nito.

“(Puwede kong linisin at ayusin) talaga pero hindi naman 'yun 'yung natural kong kwarto, eh bakit niyo pa tiningnan? Sana tumingin na lang kayo ng unit model sa mall. Gusto ko all natural.”

Natural na makulit at masayahin si Mikael. Nagsimula sa industriya bilang isang model pagka-graduate ng college sa Ateneo. Hindi niya ito inasahan dahil at first, gusto lang niya ng extra money para sa kanyang mga trips and travels pero nagtuluy-tuloy na ang mga projects hanggang sa magkaroon na siya ng TV shows.

Sinama din kami ni Mikael sa tuktok ng bundok ng Batulao. Isa sa mga hobbies niya ang umakyat sa bundok at makisalamuha sa mga taga-roon.

Likas na adventurous at fun loving si Mikael kaya huwag na huwag palampasin ang adventures ni Mikael Daez sa "Follow that Star" ngayong Sabado, alas otso ng gabi sa GMA News TV.