ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Newsroom ng GMA Network, nagkagulo dahil sa 'aling maliit' na si Ryzza Mae Dizon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pansamantalang natigil ang operasyon sa newsroom ng GMA Network nang bumisita ang child wonder at binansagang "aling maliit" na si Ryzza Mae Dizon. Sa ulat ni Aubrey Carampel sa "Star Bites" ng Balitanghali nitong Biyernes, sinabing nagtungo sa GMA Network si Ryzza para kapanayamin ang Kapuso news anchor na si Jessica Soho para sa kanyang The Ryzza Mae Show. Nakipagkulitan muna ang "aling maliit" sa kanyang one-on-one interview kay Jessica pero naging seryoso at tila kinabahan nang malaman ang peligro ng trabaho ng isang mamamahayag. Kaya naman nabanggit ni Ryzza na: "Gusto kong komedyante na lang." Matapos ang panayam kay Jessica, nag-tour si Ryzza sa newsroom ng GMA Network kung saan nabulabog ang mga empleyado at nagkagulo para masilayan at makapagpa-picture sa bulilit dabarkads ng Eat Bulaga. Dahil nakatutok sa kanya ang atensiyon ng mga tao, nagawa pang magbiro at manakot ni Ryzza na nagsabing: "Wala pong magtatrabaho...papagalitan kayo ni Maam Jessica." Kasunod nito ay nagpakitang gilas naman si Ryzza sa kanyang signature dance na "chacha." Mapapanood ang The Ryzza Mae Show sa GMA-7, araw-araw bago ang Eat Bulaga. -- FRJImenez, GMA News