ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'KMJS:' Dingdong Dantes, makiki-indak sa Cebu Dancing Inmates


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kapuso Mo, Jessica Soho
Airing Date: June 9, 2013



Usap-usapan ngayon sa Amerika ang isang palabas na diumano'y magpapatunay na mayroong mermaid o sirena. Pero kalaunan, napag-alamang hoax o hindi naman pala totoo ang nilalaman ng programa at sadyang kiniliti lang nito ang imahinasyon ng mga manonood. Ngunit bakit marami pa rin ang naniniwala na mayroong mga sirena?



Hindi mo na kailangang mag-around the world para matikman ang pinagmamalaking putahe ng ibang mga bansa. Dahil dito sa Pilipinas, may nagtitinda na rin ng mga international cuisines sa abot kayang halaga.



Muling makikisayaw at makiki-indak si Dingdong Dantes sa Cebu Dancing Inmates na nakasama niya sa pelikulang Dance of the Steel Bars!



Tatlo sa bawat sampung estudyante, naging bully o di kaya naging biktima na ng bullying. Sakto ngayong pasukan, makikiisa si Jessica Soho sa kampanya para tigilan ang kultura ng bullying hindi lang sa eskwelahan, kundi maging sa ating lipunan.



Sa Cebu, isang natatanging aso ang may pambihirang IQ. Marunong itong magbilang at mag-spelling. Kilalanin natin ang asong si Jones at ang amo nito na si Mang Pol.



Samahan nating bumisita ang ilan sa mga paborito nating artista sa kanilang mga dating paaralan para sariwain ang mga panahong mga estudyante pa lang sila.

Abangan ang isa na namang makabuluhang kwentuhan kasama si Ms. Jessica Soho sa KMJS, Linggo, 7:30 PM sa GMA-7!