ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Ang bagong yugto sa buhay ni Charice Pempengco, ikukwento niya sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Brigada
Airing Date: June 10, 2013



Ang akala ng kanyang mga kritiko, nang ilantad ng international singing sensation na si Charice ang kanyang tunay na sekswalidad, 'yun na rin ang simula ng pagbagsak ng kanyang career. Pero sa panayam ni Nelson Canlas kay Charice, sinabi ng kontrobersyal na singer na anuman ang kahihinatnan ng kanyang karera, buong puso niyang niyayakap ang panibagong yugto na ito sa kanyang buhay.



Sa nakalipas na mga araw namataan ang hindi bababa sa tatlong butanding o supok kung kanilang tawagin sa karagatan ng San Fabian, Pangasinan. Sumisid sa kailaliman ng dagat si Bam Alegre para makita ang mga higanteng bisitang bumabago ngayon sa buhay ng mga taga-San Fabian.



Dahil sa pagsadsad ng isang eroplano sa Davao International Airport kamakailan kinuwestiyon ng publiko ang kasanayan at kakayanan ng mga piloto at flight crew lalo na sa mga emergency situation. Sinuri ni Victoria Tulad kung anong mga pagsasanay nga ba ang pinagdaraanan ng mga taong pinagkakatiwalaan natin ng ating mga buhay tuwing tayo'y nasa himpapawid.

Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama sa iisang Brigada!