ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Chippendales dance group, inimbitahan si Charice sa kanilang show sa PHL
Text and photo by MAC MACAPENDEG, GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Personal na inanyayahan ng US all-male dance group na Chippendales ang singing sensation na si Charice na panoorin ang kanilang palabas dito sa bansa.
Ito ay kaugnay matapos matuklasan ni Bryan, isa sa mga miyembro ng grupo, ang kamakailang paglaladlad ng international singing sensation.
Iniidilo kasi nito si Charice.
Biro pa nila sa press conference na idinaos nitong Lunes na subukan daw ni Charice na panoorin silang magtanghal at tignan kung maaari pang magbago ang isip niya.
Gayundin, tanggap naman nila at sinusoportahan si Charice sa kanyang mga pinagdaanan sa kanyang paglaladlad.
Wika pa ni Bryan, "Going through that is great... In her age and feels comfortable coming out. It's okay to be who you are and we need more performers like Charice, to say 'I want you to love me for my craft and for what I do and not for my personal life.'"
Bukod pa rito, ang awiting "Just The Way You Are" ni Bruno Mars ang umanong dedikasyon ni Bryan para sa kanyang idolo.
"That's my message to her and to anybody else that's just going through that," ani Bryan. — BM, GMA News
Tags: chippendales
More Videos
Most Popular