ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

"Pop Talk," makiki-stress free shopping sa weekend markets


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


POP TALK
Weekend Markets
Airing Date: 11 June, 2013

 
Usong-uso sa mga urban dweller na foodies at shopaholics ang bumisita sa mga weekend market. Para sa marami, stress-buster daw ang ito pagkatapos ng isang linggong pagtratrabaho.   Kaya naman naglibot ang Pop Talk at bumisita sa tatlong weekend markets para makiusyoso at rebyuhin na rin!


 
Ang Mezza Norte sa may Trinoma sa Quezon City ang pinakabagong puntahan ngayon kaya naman ‘go’ rin tayo doon!   Binabalik-balikan naman ng mga parukyano ang Legazpi Sunday Market sa Legazpi Village sa Makati City para sa mga unique  nitong paninda, at maging ang Sidcor Sunday Market sa Eton Centris compound sa Quezon City.



Makakasama ng host na si Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang food at lifestyle blogger ng Life is KuLaYFuL na si Kathy Kenny Ngo,  ang full-time mom at part-time makeup artist  na si Joyce Chua,  at ang celebrity reviewer na Kapuso singer at batikang stage actor na si Gian Magdangal.  Huhusgahan nila ang tatlong restos base sa criteria na variety, comfort and security at price range.


 
‘Sama ka  na sa stress-free shopping ngayong Martes sa Pop Talk: Weekend Markets, 10 PM sa GMA NewsTV!
Tags: plug