ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Dagat ng Gutom' at 'Baha Republic' sa Reporter's Notebook
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER’S NOTEBOOK
Airing date: June 11, 2013
DAGAT NG GUTOM
Ulat ni Maki Pulido
Normal na ipinanganak si Reynald, labing-apat na taong gulang. Pero dahil sa isang aksidente noong apat na taong gulang pa lamang siya, nawala sa tamang porma ang kanyang likuran at naging kuba ang bata. Sa kabila nito, sa Manila Bay siya madalas nakikita, sumisisid ng may dalawampung talampakang lalim ng dagat para makahuli ng hipon. Mangingisda ang kanyang ama samantalang ang nanay naman niya ang tagabenta ng nahuhuling isda. Sa kabila ng kanilang kasipagan, madalas daw nakararanas pa rin sila ng gutom. Sa pinakahuling pag-aaral ng Social Weather Station, tumaas ang bilang ng mga nagsasabing nakaranas sila ng gutom ngayon unang tatlong buwan ng 2013. Mula 3.3 milyong pamilya noong December 2012, umakyat ito sa 3.9 milyong pamilyang ngayong Marso 2013. Paano mawawakasan ang luma pero nagpapatuloy na problema ng gutom sa bansa?
BAHA REPUBLIC
Ulat ni Jiggy Manicad
Sa mga nakalipas na araw, nakaranas na naman ng pagbaha ang iba’t-ibang lugar sa Kalakhang Maynila dahil sa pagpasok ng bagyong Dante. Iba’t ibang proyekto na ang ipinatupad ng pamahalaan upang mapigilan ang pagbaha, bilyong piso na rin ang ginastos para sa mga proyektong ito pero bakit hindi pa rin ito nasosolusyunan? Isa-isang pinuntahan ng Reporter’s Notebook ang mga flood-control project sa Metro Manila at inalam kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng mga ito. Sapat ba ang ginawang paghahanda ng pamahalaan upang hindi na muling mangyari ang malawakang pagbaha?
Huwag palalampasin ang REPORTER’S NOTEBOOK ngayong Martes, ika-11 ng Hunyo pagkatapos ng Saksi.

More Videos
Most Popular