ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kris Bernal, nag-alok ng P15k na pabuya sa makakapagsauli ng kanyang nawawalang aso
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nag-alok ang Kapuso star na si Kris Bernal ng P15,000 na pabuya sa kung sino man ang makakakita at makakapagsauli kay Zubu, ang kanyang nawawalang aso na isang Pomerenian.
Ayon sa ulat sa Kape at Balita ng GMA News TV nitong Martes, ang nawawalang aso ay regalo ng kanyang manliligaw na si Carl Guevara noong nakaraang taon.
Kwento ng aktres, nagpresenta raw si Kabog, ang personal assistant ni Carl, na siya muna nag mag-aalala kay Zubu habang nagbabakasyon si Kris kasama ang kanyang pamilya sa Europa.
Ngunit pag-uwi nila Kris sa bansa, hindi raw naibalik agad ni Kabog ang kanyang aso at inabot pa ito ng tatlong linggo bago inaming nawawala na ito.
"Kami, pinagbigyan pa namin siya ng 3 weeks kasi nga napamahal na daw siya doon sa aso ko. So, binigyan namin siya ng 3 weeks tapos sinabi niya kung kelan na namin hihingiin, doon niya sinabing nawawala," ani Kris.
Bukod pa rito, nangangamba raw ang pamilya ni Kris sa kalagayan ng kanilang alagang aso. Nakiki-usap rin si Kris na isauli na si Zubu kung sakaling may makahanap nito.
Samanatala, hindi naman maiwasan ng pamilya in Kris na magtampo sa PA ni Carl dahil sa tila hindi nito pagsasabi ng totoo tungkol sa kalagayan ng aso. — Mac Macapedendeg/RSJ, GMA News
Tags: krisbernal
More Videos
Most Popular