LRT, magbibigay ng libreng sakay sa Araw ng Kalayaan sa Miyerkules
Magkakaloob ng ilang oras na libreng sakay ang Light Rail Transit Authority sa mga pasahero sa Miyerkules bilang bahagi sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan. Sa isang post sa Twitter account nito, inihayag ng pamunuan ng LRTA na magbibigay ito ng libreng sakay magmula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m., at 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m. "There will be a free train ride tomorrow from 7 a.m. to 9 a.m. and 5 p.m. to 7 p.m. in commemoration of the Philippine Independence Day," anunsiyo ng LRTA. Ikinokonsiderang regular holiday ang Independence Day. Ang LRT Line 1 ay magmula sa Roosevelt sa Quezon City hanggang Baclaran sa Pasay. Samantala, ang LRT Line 2 ay nasa C.M. Recto Avenue sa Manila at sa Santolan sa silangang bahagi ng Metro Manila. - Mandy Fernandez/FRJ, GMA News