ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Kolehiyala sa Naga City, hinalay umano ng tatlong suspek
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tinutugis ngayon ng pulisya ang tatlong lalaki na itinuturong nanggahasa sa isang kolehiyala sa Naga City sa Camarines Sur. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Martes, sinabing papauwi na mula sa eskwelahan ang 28-anyos na biktima nuong June 3 nang mangyari ang insidente. Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing sumakay ang dalawang lalaking suspek sa tricycle na sinasakyan din ng biktima. Sangkot din umano sa krimen ang drayber ng tricycle na kasamang pinaghahanap ng mga pulis. Isinailalim naman sa counselling ang biktima na sinabing tulala pa rin hanggang ngayon dahil sa nangyari. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular