GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Test fire sa bagong barkong pandigma ng Pilipinas, isinagawa sa 'Araw ng Kasarinlan '

June 12, 2013 8:33pm
BRP Ramon Alcaraz sails for PHL
BRP Ramon Alcaraz sails for PHL. The newest warship of the Philippine Navy, the BRP Ramon Alcaraz (PF 16) with 14 officers and 74 enlisted personnel lead by Capt. Ernesto Baldovino, departs on Monday, June 10 from Charleston, South Carolina bound for the Philippines. The ship is expected to arrive in August after making port visits to San Diego, Hawaii and Guam for reprovisioning. The BRP Alcaraz will test fire its main gun off the coast of Florida. PN/DFA/Elmer Cato
Naging matagumpay ang ginawang pagsubok ng Philippine Navy na gamitin ang main weapon system ng pinakabagong barkong pandigma ng Pilipinas nitong Miyerkules, ayon sa Philippine Embassy sa Washington.
 
Sa mga mensahe sa Twitter account, inihayag ng embahada na naging matagumpay ang ginawang pagpapaputok ng BRP Ramon Alcaraz sa 76-mm Oto Melara cannon nito sa karagatan ng Florida.


Idinagdag ng embahada na masaya si Capt. Ernesto Baldovino sa resulta  ng test-firing ng main cannon ng barkong pandigma.
 
Sinabing pinaputukan ng crew ng BRP Ramon Alcaraz ang "killer tomato" balloon targets "drifting two to three miles away."
 
Ang Oto Melara cannon ay isang compact cannon na maaaring ilagay sa mga maliliit na barkong pandigma.

Sa loob ng may dalawang oras at kalahati, sinabing umabot sa 15 76-mm rounds ang ipinaputok ng barko sa Atlantic Ocean.

Nitong Martes ng gabi (oras sa Pilipinas), tumigil ang BRP Ramon Alcaraz sa Mayport sa Florida.
 
Sinimulan ng BRP Ramon Alcaraz ang paglalakbay sa karagatan nitong Lunes ng gabi patungong Pilipinas mula sa Amerika.

Ang 378-foot-long na BRP Ramon Alcaraz ay orihinal na ginamit noong 1968 ng US Coast Guard bilang USCGC Dallas. Inayos ito nang kunin ng Pilipinas noong May 2012 at umabot $15.15 milyon ang halaga ng mga pagkumpuni.

Ang BRP Ramon Alcaraz ang ikalawang Hamilton-class cutter ng Pilipinas  sa ilalim ng Excess Defense Article at Military Assistance Program, kasunod ng BRP Gregorio Del Pilar (PF15). — FRJ, GMA News
Go to comments