ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
2 guro sa Ilocos Sur, dinakip dahil sa paggamit daw ng payslip ng mga co-teacher para makautang
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dalawang guro sa Vigan City, Ilocos Sur ang dinakip dahil paggamit umano ng walang pahintulot sa payslip at pangalan ng kanilang mga kapwa guro para makapangutang. Sa ulat ni Manny Morales ng GMA-Ilocos sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Miyerkules, sinabing dinakip ng mga pulis ang dalawang guro sa bisa ng ipinalabas na arrest warrant ng korte. Ayon kay SPO1 Chester Dandin, ng Vigan police, ang dalawang guro ay inireklamo ng thief ng kanilang mga co-teacher. Gayunman, nakagawa rin nilang makalaya matapos makapaglagak ng piyansa. Magsasagawa naman ng hiwalay na imbestigasyon ang division city school kaugnay sa nasabing insidente para sa magiging aksyon ng Department of Education. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular