ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Piskal, patay sa pananambang ng 2 suspek na nakamotorsiklo
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Binaril at napatay ng mga hindi pa kilalang suspek ang isang provincial prosecutor sa Sta. Teresita, Batangas nitong Huwebes ng umaga. Kinilala ni Prosecutor General Claro Arellano, pinuno ng National Prosecution Service, ang biktima na si Assistant Provincial Prosecutor Alex Sandoval. Ayon kay Arellano, nangyari ang pamamaril kay Sandoval dakong 11:00 a.m. sa Sta. Teresita habang papasok sa trabaho ang biktima. Sinabi sa isang ulat ng dzBB radio na nakasakay sa isang motorsiklo ang dalawang salarin. "Inaalam pa kung anong kontrobersyal na kaso ang hawak niya," dagdag pa ni Arellano. - FRJ, GMA News
Tags: ambush,
More Videos
Most Popular