ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Misua desserts at mango recipes sa 'Good News'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Misua Like Crazy!
Ngayong tag-ulan, bubusugin tayo ng misua sa iba't ibang paraan.  Kasama ni Good News Girl Bea, ating titikman  ang mga misua recipe na kakaiba at malinamnam. Kabilang na rito ang guisado version na walang sabaw at mga dessert na pinasiksik ng bidang misua.
 
Terrific Tatay!
Ngayong araw ng mga tatay, bibigyan nating pugay ang mga haligi ng tahanang may natatanging dedikasyon.  Dahil sa kabila ng kanilang mga kapansanan, walang tigil pa rin sila sa pagkakayod para sa kinabukasan ng pamilya. Ang kanilang mga kuwento, nag-uumapaw sa inspirasyon para sa ating lahat.

Mango Madness!
Kilalang kilala ang Philippine Mango para sa natatangi nitong tamis kaya naman nag-isip kami ng mga recipe na pwede nitong pagbidahan. Bukod sa pagiging shake at dessert, ipapakita namin kung paano nito pasasarapin ang fried rice at ulam na may kakaibang anghang!
 
D-I-Y Baunan!
Para manatili ang freshness ng baon ng ating mga chikiting, hindi kailangang gumastos para sa lunchbox na mamahalin.  Sa tulong ng aming expert, tayo mismo ang gagawa ng mga baunang, hindi lang pasok sa budget, epektibo rin sila sa pagpepreserba ng init o lamig ng inihanda nating pagkain!
 
Good News Garden
Malaki ang nagagawa ng mga halaman sa ambiance ng ating mga tahanan...at nakakagaan din sila ng pakiramdam. Kaya naman kung walang space para sa hardin, ba't di subukang lumikha ng indoor garden? Ituturo namin sa inyo ang basics nito--mula sa pagpili ng mga halaman hanggang sa kung saan ito ipupwesto para lalong mapaganda ang home sweet home n'yo!
 
Tags: plug