Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Cesar Montano determined to fix marriage; wishes to be with Sunshine and kids on Fathers' Day

June 15, 2013 2:28pm



FIRST READ ON PEP.: Balik-Kapuso si Cesar Montano via GMA-7’s new drama series na pinamagatang Hanggang Ngayon, na tatampukan nina Lovi Poe, Rocco Nacino at Solenn Heussaff.

Ang proyekto ay sasailalim sa direksiyon ni Laurice Guillen, at isa raw ito sa mga dahilan kung bakit tinanggap niya ito.

Hindi raw makalimutan ni Cesar na ang kauna-unahan niyang acting award na natanggap ay mula sa pelikulang Ang Bukas Ay Akin na si Laurice Guillen ang direktor.

Nitong Biyernes, June 14, dumalo si Cesar sa story conference na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center.
      
Naging bukas ang aktor sa pagsagot ng mga katanungan tungkol sa kalagayan ng relasyon nila ni Sunshine Cruz.

Sa simula pa lang ay sinasabi nitong nasa healing process pa raw ang estado nila at patuloy daw siyang nanunuyo para maayos ang lahat at umabot sa pagbabalikan.

Aniya, “From day one of the trouble… from day one, nandun ang intensiyon ko until today.

“Nandun yun but, of course, it’s been awhile, pero hindi pa naman ako titigil, nandidito ako para sa kanya.”

Madalas daw siyang dumadalaw kay Sunshine at sa kanilang mga anak dahil aminado itong nami-miss na niya ang asawa.

“Everything, lahat— amoy niya, everything,” mabilis niyang sagot sa tanong tungkol sa nami-miss niya sa asawa.

ANNULMENT, NOT AN OPTION. Itinanggi ng actor/director ang usap-usapan na inaayos na ang kanilang annulment.

“Wala kaming dini-discuss na ganun,” pakli nito. “Katulad ng sinabi ko, I’m very positive and optimistic about it, about our relationship."

Matatandaan na nitong Enero lunamabas ang balitang iniwan na ni Sunshine ang kanilang tahanan dahil pagkaka-link umano ni Cesar kay Krista Miller. Nitong Abril, nagpahayag pa si Sunshine sa interview na wala pa sa kanyang plano ang makipagbalikan sa aktor.

Samantala, sa parte naman ni Cesar, naghihintay na lang daw siya na maging kumportable na si Sunshine na pag-usapan nila nang mabuti ang pag-aayos ng kanilang marriage.

Positibo raw siyang mauuwi sa pagbabalikan itong problemang pinagdaanan nilang mag-asawa.

“I’m very optimistic na.” sagot nito na nag-isip muna nang malalim nago sabihing, “right now ang ginagawa ko, I don’t rush things, e. Gusto ko rin makita niya na kumportable na siya. Gusto ko sa kanya na rin manggaling na okay na."

Naniniwala siyang mas nararamdaman iyun ni Sunshine dahil itinuturing pa rin niyang iisa pa rin sila bilang mag-asawa.

“Iisa lang naman, e. Kapag nag-asawa kayo, isa na lang kayo, di ba? We still have private moments, we talk about things."

FATHERS' DAY.  Sa Linggo, June 16, ay makakasama niya ang mga anak na mag-celebrate ng Fathers' Day.
        
“Baka mag-dinner lang kami ng mga anak ko o baka mag-swimming, kasi mas gusto nila mga outdoor activities.”

Kung makakasama raw nila si Sunshine, mas ikatutuwa raw niya.

Sa kabila ng mga pinagdaanan nilang mag-asawa, hindi pa rin naman daw siya nagkukulang sa kanilang mga anak.

Siya raw kasi ang tipong spoiler sa mga bata, at tinitiyak daw niyang maging open sa kanya ang mga anak na parang magkaibigan ang kanilang turingan.

Saad ni Cesar; “Ang aking ginagawa kasi, na parang wala silang itinatago sa akin. Lahat sini-share nila sa akin."

Dagdag pa nito; “Kung ano man ang nararamdaman nila, at least nakakapagbigay ako ng suggestions, nakakapag-advice ako.

“Kasi what’s the most important are the things that they don’t say, not the things that they say.

“They should be able to know, para makapasok ka sa mundo nila at makapagbigay ka ng advice as a parent.

“Kung magiging failure, malaking bagay yun, kasi there are so many things that children... na hindi sinasabi sa parents, and these are very essential and very important to tackle.

“Kasi hindi ka nila papasukin kung hindi ka nila kaibigan, yung walang trust. Pag convenient sila o kumportable silang i-discuss sa ‘yo yun, then you’re part of them.

"That’s what I do,” ang mahabang pahayag ni Cesar tungkol sa kanyang parenting style.

Wala naman daw siyang ibang hiling pa sa Fathers' Day kundi ang magkaroon ng bonding time sa kanyang mga anak at sana nga raw, kasama rin si Sunshine. -- Gorgy Rula, PEP




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus