ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Best Men: Gwapo Experience with Ferrari
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
THE GWAPO EXPERIENCE WITH FERRARI
BEST MEN
Airing date: June 17, 2013

Tanggap na ng karamihan na malakas maka-pogi ang isang magarang sasakyan! Pero ano kaya ang pakiramdam kapag nasa likod ka ng manibela ng isa sa pinakamahal, pinakamabilis at pinakasikat na sports car sa buong mundo? Magiging feeling pogi rin kaya ang ating mga host na sina Jun V., RJ Ledesma, at guest host Sam YG kapag sakay sila ng Ferrari California 30? Para na rin silang nasa pelikula ng "The Fast and the Furious" dahil magkakaroon sila ng pagkakatoong patakbuhin ang luxury sportscar na ito nang mabilis at maramdaman ang hatak ng umuungol nitong pangkarerang makina!
At hindi pa nagtatapos ang "Gwapo Experience" sa Ferrari California 30, dahil ang host na si RJ Ledesma, isang transpo show ang binisita kung saan bumaha ng iba't ibang klase ng vintage cars! Sa ginanap na 22nd Transport Show sa isang mall sa Manila, ang kanilang tema ay tinawag na "Driving Generations" kung saan ipinarada nila ang mga sasakyang at mga iba't ibang car concepts na naging patok sa loob ng dalawang dekada! Nariyan din ang "Autonostalgia" kung saan makikita ang mga lumang sports car na kinahumalingan ng ating mga tatay nung sila ay bata pa! Kasabay rin ang okasyong ito sa pagdiriwang ng 50th anniversary ng Porsche 911! Kaya naman malulula kahit sino sa dami ng Porsche cars na nakaparada rito!
Haharurot na ang Best Men episode ngayong Lunes, 10:30 ng gabi, sa GMA News TV Channel 11! The Best ang Monday, dahil ito ay Best Men Day!

More Videos
Most Popular