ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rocco Nacino at Lovi Poe, magtatambal muli sa bagong Kapuso soap opera


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa tagumpay ng kanilang tambalan sa Yesterday's Bride, muling magatatambal ang Kapuso stars na sina Rocco Nacino at Lovi Poe ngayong Hulyo sa bagong soap opera ng GMA Network. "I'm so happy nga that I'll be working with Rocco again. This is gonna be very interesting. Aside from the fact that we're close, he's a good actor also. So, 'yon yong focus namin ngayon kasi will be working with amazing casts," ani Lovi sa ulat ng StarTalk TX nitong Sabado. At dahil malapit sa isa't isa ang dalawa, hindi naman maiwasang maugnay silang dalawa. Gayundin, bukod sa Kapuso hunk, nauugnay din ang pangalan ni Lovi sa Camarines Sur Governor Migz Villafuerte. Sagot naman ni Lovi: "Si Migz is a good friend. Matagal na kaming magkaibigan dalawa. We get to hang out a lot so I think that's it." Samantala, bagama't madalas nauugnay ang Kapuso actress sa ibang lalaki, hindi ito dahilan upang magkaroon sila ng tampuhan dalawa. Biro pa ni Rocco nang tanungin kung ano ang estado ng kanyang naudlot na panliligaw sa sexy singer-actress, "Panliligaw? Nako. Tignan natin. Sabi nga ni Lovi kanina, this will be fun... Wala namang naudlot, eh." Dagdag pa nito, "Excited na excited ako na makaktrabaho ko [si Lovi]. Maay HOHOL pa rin—hang out, hang out lang." — Mac Macapendeg/BM, GMA News