ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Bawal ang Pasaway: What's so funny?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
WHAT'S SO FUNNY?
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
Airing date: June 17, 2013
Ngunit naituturo nga ba ang pagpapatawa? Kailangan nga bang magkaroon pa ng isang Comedy Academy para mabawasan ang comedy bar humor?
Isa lamang si Pol Medina, Jr., ang lumikha ng sikat na Pugad Baboy, sa ilan na lumikha ng ingay kamakailan lamang dahil sa isang comic strip na nailathala sa Philippine Daily Inquirer dahil na rin sa pagkakabanggit ng pangalan ng St. Scholastica’s College at sa mga estudyante ‘di umano nito na nakikipagrelasyon sa kapwa babae.
Ayon sa panayam sa kanya ni Mareng Winnie, dalawang beses pa lang may nagre-react sa mga comic strips na ginawa niya. Ang una ay noong nagsisimula pa lang siya kung saan ang nilalaman daw ay dahil sa isang pangit na babae na kahit na raw bakla ay hindi siya gagahasain. Ang pangalawa ay ang naturang strip patungkol sa mga Kulasa.
Para naman kay Isko Salvador o mas kilala sa tawag na Brod Pete, nauuso ang comedy bar humor ngayon sa telebisyon sa kadahilanang maraming mga stand-up comedians mula sa mga comedy bars ang unti-unti nang nakakapasok sa mainstream entertainment. Dapat lang daw mas maging maingat ang mga naturang komedyanteng ito dahil may mga manonood na mga bata sa telebisyon, hindi katulad ng sa comedy bar na walang limitasyon.
Ginawa ring halimbawa ni Brod Pete ang Hari ng Komedya na si Dolphy. Aniya, kahit na nagpapatawa si Mang Dolphy nang medyo bastos, natatawa pa rin ang mga tao at hindi ito nagmumukhang bastos. Nasa paraan daw ito ng pagbibitaw ng linya.
Samahan natin si Mareng Winnie at tuklasin ang mga karanasan nina Pol Medina at Brod Pete sa mundo ng komedya. Para sa kabuuang talakayan, panoorin ang Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie ngayong Lunes, June 17, 2013, alas-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
Airing date: June 17, 2013
Dahil sa ilang isyung naglalabasan tungkol sa paraan ng pagpapatawa ng ilang tao, nagpanukala ang kasalukuyang chairman ng MTRCB na si Atty. Toto Villareal na magtatag ng Comedy Academy ang bawat istasyon ng telebisyon sa bansa kung saan nilalayong maturuan at malimitahan ang tinatawag na "comedy bar humor" o iyong pagpapatawa sa pamamagitan ng pang-ookray at pambabastos na unti-unti nang nakakapasok sa mundo ng telebisyon at pelikula.
Ngunit naituturo nga ba ang pagpapatawa? Kailangan nga bang magkaroon pa ng isang Comedy Academy para mabawasan ang comedy bar humor?
Isa lamang si Pol Medina, Jr., ang lumikha ng sikat na Pugad Baboy, sa ilan na lumikha ng ingay kamakailan lamang dahil sa isang comic strip na nailathala sa Philippine Daily Inquirer dahil na rin sa pagkakabanggit ng pangalan ng St. Scholastica’s College at sa mga estudyante ‘di umano nito na nakikipagrelasyon sa kapwa babae.
Ayon sa panayam sa kanya ni Mareng Winnie, dalawang beses pa lang may nagre-react sa mga comic strips na ginawa niya. Ang una ay noong nagsisimula pa lang siya kung saan ang nilalaman daw ay dahil sa isang pangit na babae na kahit na raw bakla ay hindi siya gagahasain. Ang pangalawa ay ang naturang strip patungkol sa mga Kulasa.
Para naman kay Isko Salvador o mas kilala sa tawag na Brod Pete, nauuso ang comedy bar humor ngayon sa telebisyon sa kadahilanang maraming mga stand-up comedians mula sa mga comedy bars ang unti-unti nang nakakapasok sa mainstream entertainment. Dapat lang daw mas maging maingat ang mga naturang komedyanteng ito dahil may mga manonood na mga bata sa telebisyon, hindi katulad ng sa comedy bar na walang limitasyon.
Ginawa ring halimbawa ni Brod Pete ang Hari ng Komedya na si Dolphy. Aniya, kahit na nagpapatawa si Mang Dolphy nang medyo bastos, natatawa pa rin ang mga tao at hindi ito nagmumukhang bastos. Nasa paraan daw ito ng pagbibitaw ng linya.
Samahan natin si Mareng Winnie at tuklasin ang mga karanasan nina Pol Medina at Brod Pete sa mundo ng komedya. Para sa kabuuang talakayan, panoorin ang Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie ngayong Lunes, June 17, 2013, alas-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular