ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

My Husband’s Lover: Ang pagtatagpo nina Eric at Lally


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa pagpapatuloy ng sinusubaybayang My Husband's Lover, makikilala na ni Eric ang pamilya ni Vincent nang bisitahin siya sa trabaho ng kanyang misis na si Lally kasama ang kanilang mga anak.   Sa naturang episode ng kakaibang love story ng tatlong nagmamahalan, mismong si Eric (ginagampanan ni Dennis Trillo) ang gumawa ng hakbang para makilala na siya ni Lally (Carla Abellana), na ikinabahala naman ni Vincent (Tom Rodriguez). Madali namang makikilala ni Lally si Eric dahil maaalala nito ang larawang nakita niya na kasama ng larawan ng kanyang mister na si Vincent.   Patuloy na subaybayan ang pinag-uusapang primetime series ng GMA na mapapanood gabi-gabi, pagkatapos ng Mundo Mo'y Akin.                                                                                                      -- FRJImenez, GMA News