Mga alahas ng imahe ng Birhen ng Guadalupe sa Cebu City, ninakaw; pati donasyon, tinangay
Iniimbestigahan ngayon ng pulisya sa Cebu City ang pagkawala ng mga alahas na nakalagay sa imahe ng Birhen ng Guadalupe sa St. Joseph the Patriarch Parish church na matatagpuan sa Barangay Mabolo. Bukod sa gintong kwintas, singsing at dalawang badge na nakasuot sa Birhen ng Guadalupe, tinangay rin ng magnanakaw ang laman ng donation box na nakalagay sa ilalim ng imahen. Ayon sa guwardiya ng simbahan, wala siyang napansin nang maganap ang panloloob sa simbahan. May lamat din umano ang salamin na pinaglalagayan ng imahen kaya madali na itong mabasag. Habang isinasagawa ng pulisya ang iniimbestigahan, isang lalaki ang naaresto matapos magreklamo ang isang deboto na may nagnakaw ng kanyang bag sa loob ng simbahan. Inamin naman ng nadakip na suspek ang ginawang pagkuha sa bag ng biktima. -- Chona Carreon/FRJ, GMA News