ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Misis, patay matapos barilin sa mukha ng mga holdaper sa Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang isang ginang matapos siyang barilin sa mukha ng mga holdaper na humarang sa kanilang mag-asawa sa Bautista, Pangasinan nitong madaling-araw ng Martes. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing sakay ng motorsiklo ang mag-asawa nang harangin ng dalawang suspek na nakasakay din sa motorsiklo. Nagalit umano at binaril ng holpader sa mukha ang ginang nang magmura ito. Tinangay ng mga suspek ang P20,000 na dala ng mag-asawa. -- FRJ, GMA News