ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Malaking pating, nalambat sa Guimbal, Iloilo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang malaking pating ang sinasabing sumabit sa lambat ng isang mangingisda sa Guimbal, Iloilo. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing nagtaka ang mangingisda nang mapansin nito na lubhang mabigat ang nahuling isda sa kanyang lambat. Nang iahon ang lambat, dito na nakita ang patay na pating na napag-alaman na isang uri ng Tiger shark. May sugat ito sa buntot at posible umanong naubusan ng oxygen at hindi na nakahinga nang maipit sa lambat. Dinala ang patay na pating sa Southeast Asian Fisheries Center upang maipreserba para sa isang museum. -- FRJ, GMA News

Tags: shark