ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Balikbayan na hinihinalang biktima ng holdup, natagpuang tadtad ng saksak sa Ilocos Sur


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang balikbayan ang natagpuang patay at tadtad ng saksak sa katawan sa loob ng isang abandonadong beach resort sa San Esteban, Ilocos Sur.   Sa ulat ni Manny Morales ng GMA-Ilocos sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing nagtamo ng aabot sa 50 saksak ang biktimang si Eric Guillermo.   Nadiskubre ang bangkay ni Guillermo ng isang residente nang may makita itong mga patak ng dugo na patungo sa isang resort na hindi na nag-ooperate.   Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na biktima ng holdup si Guillermo dahil nawawala ang mga gamit nito tulad ng motorsiklo, cell phone, pera at iba pa.   Isang ice-pick at isang kutsilyo ang nakita malapit sa bangkay ni Guillermo na hinihinalang ginamit sa pagpatay sa biktima.   Nanawagan naman ang pamilya ni Guillermo na mabigyan ng katarungan ang sinapit nito.   Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para makilala ang mga suspek. - FRJ, GMA News