ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

TomDen, pinakilig ang fans sa 'Sunday All Stars,' trending topic pa rin sa Twitter


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bagama't simple lang ang duet number ng Kapuso actors na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, naghiyawan pa rin ang audience sa "Sunday All Stars" nitong Linggo.

Ayon sa dalawa, hindi raw nila inasahang titilian ang "Tom-Den" love team, ang tambalang nabuo sa palabas na "My Husband's Lover."

Itinanghal nila rito ang theme song ng naturang teleserye na "One More Try."



Gayundin, ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa Chika Minute portion ng “24 Oras” nitong Martes, ikinatutuwa raw nina Tom at Dennis ang mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Kapuso.

Sa naturang palabas, nakilala na ni Eric (Dennis) and asawa ni Vincert na si Lallie (Carla Abellana) at mga anak nito.

Samantala, muli na namang napasama ang naturang palabas sa trending topics ng microblogging site na Twitter para sa ikapitong episode nito. Nag-trend ang hashtag na #myhusbandslover at #myhusbandsloverday7.


Mapapanood ang "My Husband's Lover" tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GMA Primetime pagkatapos ng "Mundo Mo'y Akin." — Mac Macapendeg/KBK, GMA News