ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Buhawi, nanalasa sa Cebu; abot sa 36 bahay, napinsala


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tinatayang 35 bahay ang napinsala sa pananalasa ng buhawi sa Minglanilla, Cebu nitong Martes ng hapon.   Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkules, ipinakita ang video footage ng mala-imbudong ipo-ipo habang tila nag-iipon ng lakas habang nasa dagat pa.   Pero nang tumama sa na lupa, ilang kabahayan ang sinira nito at inalisan ng bubong. Unang hinagupit umano ng buhawi ang barangay Calajo-an  at tumawid sa barangay Tungkil.   Wala namang iniulat na nasaktan sa nangyaring insidente.   Sa lakas ng hangin, maging ang gate at bubong ng isang bodega sa barangay Calajo-an ay nilipad papuntang barangay Tungkil. -- FRJ, GMA News

Tags: buhawi, twister