GMA News Online
NewsTV
»
Follow that Star

Follow that Star

Silipin ang buhay ni Ryzza Mae Dizon sa likod ng camera

June 20, 2013 2:27pm

Bago raw nakuha ni Ryzza Mae Dizon ang titulong Little Miss Philippines sa Eat Bulaga, hindi raw madali ang naging karanasan nila ng kanyang mga magulang. Ang kanyang mommy Rissa, kinailangan pa raw mangutang ng pamasahe para makapunta sila ng audition.

Pangalawa sa tatlong magkakapatid si Ryzza, at sa edad na isang taong gulang, hilig na raw nito ang sumayaw, kumanta at rumampa na parang model. Dati raw ay sumali na siya sa pakontes sa kanilang purok at siya raw ang nagchampion doon. Si Ryzza raw ang nagpumilit na mag-audition sila sa Little Miss Philippines sa noon time show na Eat Bulaga. Mahigit 300 daw ang batang pumila noong araw na ‘yun.

Ang Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez ang nag-audition kay Ryzza. Ayon sa kanya, bagamat hindi raw “stereotypical” na kandidata si Ryzza gaya ng mga kasamahan niya, nakita raw niya ang potential ng bata. Sa katunayan, ipinaglaban pa nga raw niya na ipasok si Ryzza dahil napabilib siya nito.

Hindi raw pinalad si Ryzza na makapasok sa first round. Pero nabigyan siya ng isa pang chance bilang wildcard. At pagdating sa finals, siya ang tinanghal na grand champion.

Ngayon, araw-araw nang napapanood kasama ng ibang dabarkads si Ryzza. Nagkaroon pa nga siya ng mini-concert, kung saan pinakita niya ang kanyang taleno sa pagsayaw, pagkanta at pag-arte.

Isang malaking blessing daw ang pagkakapanalo ni Ryzza dahil kahit papaano ay nakakatulong na siya sa kanilang kabuhayan. Pangarap daw ni Ryzza na makapagpatayo sila ng sariling bahay na may dalawang palapag. Suportado ng magulang sa mga pangarap ng kanilang anak na mag-showbiz. Pero sinisigurado pa rin nila na makatapos ng pag-aaral ang kanilang anak.

Ang buhay sa harap at likod ng camera ni Ryzza Mae Dizon ay mapapanood sa Follow That Star, Sabado, 8:00 PM sa GMA NewsTV.
Go to comments




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Follow that Star on Facebook
Follow that Star on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement