GMA News Online
Public Affairs
»
Front Row

Front Row

Sundan ang makabuluhang paglalakbay ng mga 'Maestro Sundalo' sa 'Front Row'

July 4, 2013 2:52pm
Armado ng de-kalibreng mga baril, sama-samang naglalakad ang mga sundalo na animo’y sasabak sa giyera. Pero ang kanilang misyon - hindi para supilin ang mga bandido o rebeldeng grupo kundi ang magturo sa mga residente sa mga liblib na lugar sa Calinog, Iloilo.   



Isang dekada na sa Hukbong Sandatahan si Corporal Leo Castor, tubong Calinog, Iloilo. Nagpasiyang pumasok sa militar para buhayin ang kaniyang pamilya. Debosyon nga raw ang pagiging sundalo. Bukod sa panganib, kalakip din nito ang pagkawalay sa pamilya. Madalas kasi naka-destino siya.
 
Kamakailan, isang panibagong misyon ang iniatas sa kanila. Sama-samang tutuparin ni Corporal Castor at ilang sundalong kasama niya sa Army Literacy Patrol System na muling bigyan ng pag-asang matuto sa pagbasa at pagsulat ang mga naninirahan sa mga bulubunduking bahagi ng Calinog.

Sundan ang makabuluhang paglalakbay ng mga MAESTRO SUNDALO upang magpalaganap ng kaalaman at karunungan ngayong Sabado, July 6, 2013 sa Front Row 9:45 PM sa GMA News TV Channel 11.



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus