GMA News Online
Ulat Filipino
»
Pinoy Trivia

Unang sinehan sa Pilipinas

February 22, 2007 9:04pm
Alam nyo ba na ang bayad sa unang sinehan na nagpalabas ng pelikula sa Pilipinas ay 50 sentimos sa de-kutyon na upuan at 30 sentimos naman sa karaniwang bangko.

Enero 1, 1897 nang ipalabas ang unang apat na dayuhang pelikula sa sinehan na Salon de Pertierra sa Escolta, Maynila. Pag-aari ito ng isang EspaƱol gamit ang gaumont chrono-photograph projector.

Ang mga pelikulang ito ang Un Homme Au Chapeau (Lalakeng may Sumblero), Une scene de danse Japonaise (Tagpo sa Sayaw ng Hapones), Les Boxers (Ang Boksingero), at La Place de L' Opera (Ang Lugar ng Opera).-GMANews.TV