GMA News Online
Ulat Filipino
»
Ilocos

Suspek sa rape-murder case ng isang menor de edad sa Ilocos Norte, nadakip sa Isabela

July 19, 2013 9:42pm
Isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (Cafgu) ang dinakip sa Isabela dahil sa pagkakasangkot niya sa pagpatay at panggagahasa sa isang menor de edad sa Ilocos Norte na naganap noon pang 2003.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabing inaresto ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest ang suspek na si Mario Bumanglag.

Kaagad umanong isinagawa ng pulisya ang manhunt operation laban kay Bamanglag nang makatanggap sila ng impormasyon na sa Isabela nagtatago ang suspek.



Nadakip ang suspek noong July 10 at nailipat na sa Burgos, Ilocos Norte nitong Huwebes.

Sa kanyang sinumpaang salaysay, sinabing inamin ng suspek ang krimen na ibinibintang sa kanya.

Pero nang makapanayam ng media, iginiit ng suspek na binugbog siya ng mga pulis kaya umanin sa krimen.

Wala pang pahayag ang pulisya sa alegasyon ni Bumanglag. -- FRJ, GMA News