GMA News Online
Showbiz

Hope speaks out, says James Yap courted her

February 24, 2007 6:49pm

Lolit Solis interview with controversial Belo Clinic receptionist Hope that was aired over GMA 7’s Startalk Saturday.

Lolit Solis: Nasa gitna ka ngayon ng kontrobersiya. Ikaw ang sinasabing babaeng nakapagitan ngayon kay James Yap at Kris Aquino. Alam mong may asawa si James bakit pumatol ka pa sa kanya?

Hope: Kasi po malambing siya.

Bale ibig mong sabihin niligawan ka niya?

Opo

Talagang as in nadala ka ng panliligaw ni James?

Opo lagi po siyang nagte-text sa akin saka lagi siyang nagpupunta sa dating pinagtatrabahuhan ko.

Nagsimula ‘to noong March sabi mo?

Opo

Ang huli niyong pag-uusap January 15?

Opo

So bale tumagal ng halos 11 months yung relasyon nyo. Syempre si James kilalang tao di ba. Alam ng maraming tao na asawa siya ni Kris Aquino. Paano kayo nakakalabas ng walang nakakakitang tao sa inyo?

Nangyari lang po lahat sa loob ng opisina. Sa dati kong pinagtatrabahuhan.

Hindi alam ng mga taong nandodoon?

May mga iba pong nakakalam tulad nung facialist niya na si Elis at saka yung scrubber niya si Mitos.

So bale si Elis bale ang bridge nyong dalawa ni James?Bakit nung huling nakausap ko si Elis ang sabi niya “‘Wag kang maniwala Nay Lolit ilusyon lang nya yun." Ikaw daw ang in love na in love kay James, stalker ka ni James, saka talagang fatal attraction ka kay James.

Hindi po totoo yun. In the first place po alam ni Elis na hindi ko type si James at me asawa na siya. Alam niya na kada punta dun ni James, alam niya kung ano nangyayari sa amin dahil nagpapakuwento siya.

Gaano kadalas magpunta si James doon?

Once a week. Every Monday.

Bakit pag Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday hindi na kayo nagkikita?

Hindi na po. pero Puro text or tawag.

Nag-uusap kayo ni James?

Opo.

Paano siya nakakatext sa ‘yo? Pagka wala siya sa tabi ni Kris? O kahit andun si Kris nakakapagtext siya sa ‘yo?


Minsan po katabi niya daw si Kris kasi hindi naman raw nagbabasa si Kris ng mga message niya. Wala raw silang pakialamanan ng cellphone

Hope, dun sa tagal na yun na-feel mo bang na-in love sayo si James?

Na-feel ko po kasi lagi siyang nagte-text.

Pero once a week lang kayo nagkikita?

Na-in love po ako talaga sa kanya. Ang naging kasalanan ko lang po e ‘yung nagmahal ako.

Ngayong moment na ito na nalaman ni James na nawalan ka ng trabaho na ganyan na. Hindi naman ba siya nag-attempt na tawagan ka?


Hindi po

Wala man lang suporta galing sa kanya?

Wala po

Halimbawa tumawag siya sa ‘yo, ready ka pa rin? Mahal mo pa rin ba siya?


Mahal ko po.

Sa pagkakakilala mo kay James pursigido ba siya kapag pag may gusto siya?

Oo. Pag gusto niya gusto n’ya.

Hindi mo siya tinatawagan?

Hindi na po

Ba’t ayaw mo nang tawagan si James?


Mula nung nalaman na nga, nung mga may lumabas na blind item hindi ko na siya tinitext. Hinihintay ko na siya ang magtext sa akin.

Pero, Hope, hindi ka buntis?

Hindi po

‘Yun ang balita dati na kaya ka daw nawala dahil baka daw buntis ka?

Hindi po

Kung may message kang sasabihin kay Kris. Anong message mo?

Lalaki ‘yan hindi basta basta umaamin. Kahit na meron nang pruweba magde-deny pa rin ‘yan. Kasi ako may pruweba ako kaya wag niya akong basta-basta inaapi na palabasing sinungaling. Na ako ang naghahabol sa asawa niya.

Kay James anong message mo?

Kay James. Sana hindi niya ako basta binalewala na lang

Dalaga ka?

Opo

Sa tingin mo in love na in love siya sa’yo?

Hindi naman in love na inlove, siguro may nararamdaman siya.

Nung pinasok ko yun alam ko kung saan ako at hindi ako naghangad na pangakuan ako ni James ng kahit na ano, ayoko sana ding magpa-interview or what …hindi ako showbiz para pag-usapan.

Pero may galit ka bang nararamdaman kay James?

Naaawa ako sa kanya.

Pinanood mo ba?

Opo pinanood ko yun. Para siyang robot. Lalaki siya, sana man lang… me ginawa na siya e… bago ka naman gumawa ng mga bagay bagay alam mo kung ano ang consequences. Ako nung pinasok ko ‘to alam ko kung ano ang mangyayari. Alam kong mangyayari ito. Nasasaktan ako. Mahal ko siya pero hindi ko na inisip yun sabi ko sige ganun talaga e na-inlove na ako wala na akong magagawa doon at wala akong pinagsisisihan.

May pangako ba si James?

Wala siyang pangako

Dun sa 11 months wala siyang sinabi sa ‘yong I love you?

Wala po.

Paano mo mapi-feel na may love sa ‘yo yung partner mo kung wala man lang sinasabi sa ‘yo?

Yung pagte-text niya.

Sa mga text niya walang I love you?

Wala, wala. Kasi ako naman hindi ko naman inaano na mag- I love you siya kasi alam ko naman na may asawa siya and alam ko in the first place kung saan ako lulugar. Hindi mage-expect ng ganun.

Nung naging kayo hindi pa buntis si Kris?


Hindi pa. Bale two weeks na kaming magkatext nun saka lumabas na ikinasal na sila. Wala po talaga akong balak na sirain tulad ng sabi niya na kung sino man daw, parang sinabi niya sa The Buzz na ‘kung sino man siya na gustong sirain ang marriage ko puwes sa ngayong point hindi siya magtatagumpay." Ang sa akin lang hindi ko sinisira kasi nung pinasok ko ‘yun alam ko kung saan ako at hindi ako naghangad na pangakuan ako ni James ng kahit na ano. Ayoko sana ding magpa-interview or what kasi gusto ko na ring manahimik e. Hindi naman ako showbiz para pag-usapan.

May kumakalat na balita na ikaw ang naghahabol?

Ayoko nung balitang yun na parang na inilalabas nila na...wala ako ni pisong hiningi kay James.

May binibigay ka ba sa kanya?

Wala. Sa mga sumusubaybay po kay Kris Aquino at James Yap, sana po wag nyo akong husgahan. Wag kayong magalit sa akin kasi tao lang po ako, babae lang din ako na na-in love at mahal na mahal ko siya at ngayon naiiwang mag-isa. - GMANews.TV