GMA News Online
Public Affairs
»
Pinoy MD

Pinoy MD

All-natural hair care tips, ibabahagi ng 'Pinoy MD'

August 13, 2013 4:11pm
Dahil laging nakakasalamuha ang mga kabataan bilang isang youth pastor, talaga namang lagi raw feeling young si Drev.  At sa edad na 28 years old, hindi na rin naman daw nalalayo ang kanyang edad sa kanyang mga pinamumunuan.  Pero pagdating daw sa hitsura, iba na raw usapan iyan.  Napapanot na kasi si Drev!  Ano kaya ang mga solusyon para sa mga katulad niyang namromroblema sa kapansin-pansing pagkalagas ng buhok? 

Sa dami ng ating inaasikaso araw-araw, tila hindi na natin natatakasan ang stress; problema at pagka-abala sa trabaho, sa gawaing bahay, pag-aaral at kung ano-ano pa.  Babala ng mga doktor, maraming mga sakit ang posibleng dulot ng stress.  Dagdag ng dermatologist na si Dr. Marcellano Cruz, hindi raw dapat masyadong magpa-stress dahil nakapagdudulot din ito ng alopecia o pagkalagas ng buhok.  Para hindi pumangit ang hair, alamin ang mga puwede niyong gawin para mapigilan ang alopecia.

Tinatayang 50% ng lahat ng lalaki, kapag umabot na sa edad na 40, maaari nang makaranas ng pagkalagas ng buhok.  Para sa maraming Pinoy na may ganitong problema, hair transplant o hair grafting ang solusyon. Yun nga lang, umaabot sa P100,000 ang halaga nito. Pero paalala ng mga alternative health expert, kung maagapan ang hairloss, may mga natural daw na treatment gaya ng pagpahid ng iba’t ibang klaseng oils at pag-inom ng tsaa na epektibo rin at hindi pa kasing mahal. 
 
Kung tips naman para sa pagpapaganda ng buhok ng mga babae ang pag-uusapan, ang batikang hairstylist at ngayo’y fashion designer ding si Fanny Serrano ang magtuturo sa inyo.  Dagdag pa niya, mahalaga rin ang nutrisyon sa pagpapalago ng hair, kaya may ituturo rin kaming recipe na mayaman sa protina na pampalago ng buhok.
 
Isang espesyal na episode tungkol sa ating crowning glory ang mapapanood ngayong Sabado kasama si Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa programang inuuna ang inyong kalusugan.
 
Abangan ang Pinoy MD sa Sabado, August 17, 6 to 7 AM sa GMA-7.



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus