Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Mutya Johanna Datul wins Miss Supranational 2013 crown

September 7, 2013 1:39pm


(Ang kandidata ng Pilipinas na si Mutya Johanna Datul ang kinoronahang Miss Supranational 2013 na ginanap kagabi, September 6, sa Minsk, Belarus. -- Photo: Courtesy of Emerson Cebanico)
 

Ang 21-year-old Filipina beauty na si Mutya Johanna Datul ang nagwagi ng Miss Supranational 2013 title sa coronation night na ginanap kagabi, September 6, sa Sports’ Palace of Minsk sa Minsk, Belarus.

Tinalo ni Mutya ang 82 candidates mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang mga naging runners-up ni Mutya ay sina: Miss Mexico (Jacqueline Morales, 1st runner-up); Miss Turkey (Leyla Kose, 2ndrunner-up); Miss Indonesia (Cok Instri Krisnanda Widani, 3rdrunner-up), at Miss US Virgin Islands (Esonica Veira, 4thrunner-up).

Ang iba pang candidates na nakapasok sa Top 20 ay galing sa mga bansang Venezuela, Puerto Rico, Australia, Poland, Gabon, Canada, Thailand, Luxembourg, India, Myanmar, Belarus, at Russia.

Si Mutya rin ang tumanggap ng special award na Miss Personality. Kasali rin siya sa Top 8 ng Miss Internet at Top 10 sa Miss Talent.

Si Mutya ang kauna-unahang Pilipina na nanalo sa Miss Supranational na idinaos sa unang pagkakataon sa Republic of Belarus, isang landlocked country sa Eastern Europe.

Ang Binibining Pilipinas Charities Inc. ang nagpadala kay Mutya sa Belarus dahil siya ang nanalo ng Bb. Pilipinas-Supranational 2013 sa pageant night na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong April 2013.

Ang Binibining Pilipinas 2013 ang pangalawang beauty contest na sinalihan ni Mutya, na naging finalist sa Mutya Ng Pilipinas noong 2012.

Ito ang ikalawang beses na nagpadala ang Pilipinas ng kandidata sa Miss Supranational.
Una ay noong 2012, kung saan nakapasok si Elaine Kay Moll sa Top 11 ng Miss Internet Award.

Nakaka-limang taon pa lang ang Miss Supranational na nagsimula noong 2009.

Ang unang nanalo ng title ay si Oksana Muria ng Ukraine.

Ang mga sumunod na nagwagi ng korona ay galing sa mga bansang Panama (Karina Pinilla Corro, 2010); Poland (Monika Lewczuk, 2011); Belarus (Katsiaryna Buraya, 2012), at Philippines (Mutya Johanna Datul, 2013).

First time ginanap sa bansang Belarus ang Miss Supranational. For the past four years ay ginaganap ito sa Warsaw, Poland.

Ang Miss Supranational ay binuo ng World Beauty Association (WBA) na may 20 years experience na sa pag-organize ng beauty pageants.

Ayon sa website ng Binibining Pilipinas Charities Inc., early favorite sa Miss Supranational 2013 si Mutya dahil kasali siya sa halos lahat ng promotional videos ng beauty pageant.

Nakatakdang bumalik si Mutya sa Pilipinas sa Lunes, September 9. -- Jojo Gabinete/Ruel J. Mendoza, PEP
 
Go to comments