GMA News Online
Public Affairs
»
I-Witness

I-Witness

'Isang Bote ng Binhi', the new documentary by Kara David, airs September 23

September 21, 2013 9:13am

“ISANG BOTE NG BINHI”

Dokumentaryo ni Kara David
September 23, 2013

Kilala ang mga Pilipino sa kanilang “tibay ng loob”. Matiisin…Hindi bumibigay sa panahon ng pagsubok. Higit dalawang dekada na ang tibay ng loob ng mag-asawang Fernando at Ma. Luna Man-Oblahan. Kailangan nilang magtipid para sa anim na anak. Nakaugat ang kinabukasan ng mga ito sa kanilang bawat pagsisikap.

Si JR Man-Oblahan, ang bunso, ay saksi sa sipag ng kanilang mga magulang. Sumasama siya sa bukid para magtanim… hanggang sa gubat, kung saan pinuputol ang mga puno ng falcata. Dahil sa falcata, patuloy na nakakapag-aral sa bayan ang kanyang mga kapatid. May kita sa mabibigat na troso nito.

Sa kanilang liblib na baryo, hindi raw magbabago ang kapalaran ng mga lumad gaya ng mga Man-Oblahan. Pero nandoon ang mga binhi at mga pagtitiis na siyang daan para sa kanilang mas mabuting kinabukasan. May puno pa ba para sa pag-aaral ni JR?

Mapapanood ang dokumentaryo ni Kara David, “Isang Bote ng Binhi” ngayong Lunes  (September 23) sa I-Witness. Para sa mga komento, magtweet sa @karadavid at @IWitnessGMA, #chatwithkara.

English Version

Filipinos are known for their resilience, their admirable endurance. They never falter in the face of trying times. Fernando and Ma. Luna Man-Oblahan have long been resilient--two decades to be exact. To be frugal is the only way for their six children to survive. The children’s future depends on the couple’s toil.

A witness to the Man-Oblahans’ endurance is the youngest child, JR. He accompanies his parents from the fields to the mountains, where they cut their falcata trees. These falcata trees earn money for the Man-Oblahan children’s education in town; there may be no chance to change their fate if they remain in the village. But in this same village are the seeds, and the firm will, for a better future. Will there still be trees for JR’s education?

“A Bottle of Seeds” is Kara David’s I-Witness documentary, airing this Monday (September 23). For comments, tweet @karadavid and @IWitnessGMA, #chatwithkara.



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus