GMA News Online
Showbiz

Walong bagay tungkol kay 2013 Miss World Megan Young

September 30, 2013 4:39pm
Megan Young crowned Miss World 2013
Megan Young crowned Miss World 2013. Miss Philippines Megan Young is crowned Miss World 2013, during the grand finale of Miss World 2013 in Nusa Dua, Bali resort island September 28, 2013. Young, 23, was crowned on Saturday at a tightly guarded ceremony in Bali, Indonesia, after the contest was plagued by protests from Muslim hardliners and fears that extremist groups could try to disrupt the event. Reuters
Bago pa man nakilala ang actress turned beauty queen na si Megan Young bilang kauna-unahang kandidata  ng Pilipinas na nakasungkit ng prestihiyosong titulo bilang Miss World 2013, nauna itong lumabas sa telebisyon bilang isa sa "avengers" ng GMA reality talent search na StarStruck para sa ikalawang season.

Kaya naman bukod sa kanyang magandang pangangatawan at mukha, narito ang walong bagay tungkol sa bagong kinoronahang beauty queen na si Megan Young:

1. Bago ito lumaban sa Miss World, sumasali na si Megan Young sa mga beauty pageants sa Olongapo City

Ayon sa best friend nito na si Erin Mason Tagudin sa panayam ni Lia Mañalac del Castillo sa "News TV Live," nabanggit nitong sumsali si Megan sa mga beauty pageants sa Olongapo ngunit hindi nito inasahang papasok siya sa isang international beauty pageant.

Ayon pa kay Erin, "I think it's like an achievement, like a goal and hindi niya talaga ini-expect na magiging beauty queen siya kasi there's more na she wanna be a great actress, she wanna be a great host... travel the world."

"Nong bata pa lang siya nagjo-join siya ng mga beauty contest sa Olongapo and I don't think ini-expect niya na magiging international beauty queen siya," patuloy nito.

2. Sinuportahan ni Megan Young ang pag-aaral ng kanyang kapatid na si Lauren Young

Nabanggit ng "Dormitoryo" actress na si Lauren Young sa panayam na ang kapatid niya ang sumuporta sa kanyang pag-aaral noong hindi pa siya nagsisimula bilang isang artista.

Kilala ang magkapatid na Lauren at Megan bilang dalawa sa pinakamagaganda at magagaling na aktres sa henerasyon ngayon.

Nagsimula si Megan bilang isang "avenger" sa ikalawanag season ng GMA reality talent search na "StarStruck" kung saan napabilang ito sa Top 6.

Ang nanalo sa naturang season ay sina Ryza Cenon at Mike Tan. Nakasama niya rito sina LJ Reyes, Kirby de Jesus, at Kevin Santos.

Lubos naman na nakilala si Megan nang pumasok ito sa ABS-CBN reality show na "Pinoy Big Brother: Celebrity Edition."

Nakilala naman si Lauren sa ABS-CBN teen-oriented Saturday show na "Abt Ur Luv" kung saan bumida rin si Megan sa ikalawang season ng palabas.

Sa kasalukuyan, parehong aktibo ang magkapatid na sina Lauren at Megan sa show business at lumalabas sila sa kani-kanilang mga pinagbibidahang palabas.

Gayunpaman, parehong may dual citizenship ang magkapatid na Young.

3. Nag-aaral si Megan Young sa De La Salle College of Saint Benilde sa kursong AB- Digital Filmmaking

Pumasok si Megan Yonug sa De La Salle College of Saint Benilde sa kursong AB- Digital Filmmaking.

Sa kanyang YouTube account, mapapanood ang ilang maikling pelikula na idinirekta ng 2013 Miss World.


Sa kasalukuyan, hindi pa nakapagtapos si Megan sa kolehiyo.

4. Mayroong sexy photoshoot si Megan para sa March 2012 issue ng Rogue magazine

Bago sumali si Megan sa 2013 Miss World, sumabak ito sa isang mapangahas na photoshoot para sa men's magazine Rogue. Ang naturang spread ang mga kuha ng kilalang photographer na si Mark Nicdao.

5. Bukod sa pagiging aktres at beauty queen, nakilala rin si Megan bilang isang VJ

Napili si Megan bilang isa sa mga VJ sa relaunch ng music channel na Channel V Philippines.

Ilan pa sa mga VJ ng Channel V ay sina Georgina Wilson, Sanya Smith, at Solenn Heussaff.

6. Isa si Megan Young sa mga young stars na napanood sa tatlong malalaking network sa Pilipinas

Bagamat nakilala ang aktres sa GMA-7, matapos ang ilang taon sa ilalim ng GMA Artist Center ay lumipat ang aktres sa bakuran ng Star Magic. Siya rin ang kauna-unahang StarStruck alumna na lumipat sa kabilang estasyon.

Gayundin, bago ito sumali sa prestihiyosong beauty pageant, lumabas din ito sa ilang palabas sa TV5.

7. Lumabas si Megan Young sa mahigit sampung magazine covers dito sa bansa

Tulad ng ibang aktres, itinampok din ang ganda ni Megan Young sa cover ng mga kilalang magazine rito sa bansa.

Kabilang na rito ang Meg Magazine, Candy Magazine, Mega Magazine, Rogue Magazine, Flique Magazine, at Chalk Magazine.

8. Mayroong 765,916 followers si 2013 Miss World Megan Young sa Twitter

Sa kanyang Twitter account, mayroon itong 765,916 followers bilang ng Setyembre 30.

Sa Instagram account naman nito, mayroon siyang 325,971 followers. — BM, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus