Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Venus Raj defends Ariella Arida from bashers

October 29, 2013 5:49pm
 

Bilang isa sa mga mentor ni Miss Universe Philippines 2013 Ariella Arida, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni 2010 Miss Universe 4th runner-up Venus Raj sa mga batikos na natatanggap ngayon ni Ariella.

Pinupukol ngayon ng batikos si Ariella dahil sa naging komento niya, sa isang interview, tungkol sa Latina contestants na hindi nakakapagsalita ng straight English sa international beauty pageants.

Ayon kay Venus, “Alam naman nating lahat na hindi naman talaga gusto ng isang kandidata, or ng isang babae, na makasakit ng ibang race or ng ibang tao or ng ibang kandidata.

“Alam naman natin yun.

“Siguro, ang ibig sabihin lang ni Ara, na usually kasi ang mga Latinas, they use an interpreter in the beauty pageant, in the competition.

“So, baka iniisip niya na hindi naman lahat talaga is fluent.

“Mayroon na napakaraming mga fluent, mayroong hindi—hindi naman natin maikakaila yun.

“But, hindi yun… alam ko na maganda pa rin yung gustong sabihin ni Ara.

“Hindi niya naman gusto na talagang i-bash o manakit ng ibang race.”

Dagdag pa ni Venus, “We know Ara, and that’s really sad for me na parang sana tayong mga Pilipino, tayo yung nagtutulungan to support her.

“Sana tayo yung nagiging strength niya pagpunta niya ng international pageant.

“Hindi yung aalis siya dito, tapos ang maiiwan pa at ang parang pabaon pa natin ay sama ng loob at pamba-bash.

“Na dapat nga, e, lahat tayo ay nagkakaisa para suportahan siya.”

Nasa Moscow, Russia, na ngayon si Ariella at nakikipakumpitensiya sa ibang mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo, para sa koronang Miss Universe 2013, na gaganapin sa November 10 (November 9 , U.S. time).

Nakausap ng PEP si Venus sa formal launch ng Aces & Queens, sa Opus Bar, Resorts World Manila, Pasay City, noong Huwebes, October 24.

Sa pamumuno ni Jonas Gaffud, ang Aces & Queens ay magsisilbing training school para sa aspiring beauty queens.
 
ARIELLA’S CHANCES. Sa tingin ba ni Venus ay makakaapekto ang isyung ito sa tsansa ni Ariella na maiuwi ang korona bilang bagong Miss Universe?

“Well, sa tingin ko, hindi naman.

“Hindi naman siguro siya makakaapekto, kasi alam naman natin how determined Ara is.

“Lagi niyang sinasabi, di ba, na ‘I will deliver! Pagpunta ko dun, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko at magiging maayos ang resulta nun.’

“At napakalaki ng tiwala namin kay Ara.

“Tayong lahat na mga Pilipino, sana ganun, ‘no?

“Sana pagdating niya dun, ipakita niya yung strength niya as a Filipina, strength niya as a woman.

“Alam naman natin that, you know, she’s prepared.

“Umalis siya ng Pilipinas na prepared para sa competition.”
 
THE PRESSURE. May pressure at isang malaking responsibilidad daw para kay Ariella ang Miss Universe competition.

“Totoo yun!” bulalas ni Venus.

“Lagi nating sinasabi na tayong mga beauty queens, hindi naman ito bagay na napakadali na dyino-joke lang.

“This is something na pag isa kang beauty queen, napakalaki at napakabigat ng responsibilidad mo bilang isang babae, bilang isang tao.

“Kasi, sabi nga natin, tinitingala ka ng napakaraming kabataan, tinitingala ka especially ng mga batang babae na gustong maging katulad mo, or na-inspire mo.

“And, in the future, malay mo, dahil ikaw ang kanyang naging salamin sa paglaki niya e maging isa rin siyang successful na tao pag lumaki na, pag naging dalaga na.

“So, it makes me really sad na nakarinig ng mga bagay na parang pamba-bash tungkol sa representante ng Pilipinas, na dapat tayu-tayo talaga kasi ang nagkakaisa at nagtutulungan para suportahan siya.”
 
ARIELLA’S STRENGTH. Tinanong ng PEP si Venus kung ano sa opinyon niya ang strength ni Ariella sa paglahok nito sa Miss Universe 2013.

Saad niya, “Feeling ko, si Ara kasi has a really strong personality. Mataas yung confidence level niya.

“Yung parang kahit saan mo siya ilagay, kahit saan mo siya dalhin, lalaban at lalaban siya.

“So, feeling ko, iyon yung magiging strength niya.

“And also the Filipino people, yung suporta natin sa kanya.

“Na lagi sa online, nababasa niya yung magagandang sinasabi sa kanya.

“Although, may mga hindi pa rin magaganda, hindi mawawala iyon.

“Pero at least, may mga magagandang nagsasabi.

“Na, ‘Kaya mo ‘yan, lumaban ka! Huwag kang ma-pressure sa kung anuman ang nakamit ng ibang beauty queens. Pumunta ka diyan bilang isang representative ng Pilipinas, gawin mo kung ano ang dapat mong gawin.’”

Ano ang naibigay niyang payo kay Ariella?

“Well, nag-train kami kay Ara the day before siya na umalis.

“Lagi naming paulit-ulit na sinasabi sa kanya na, ‘You cannot really please everybody. Laging mayroong may gusto sa iyo, laging mayroong hindi ka gusto. But at the end of the day, that’s your fight for the Philippines.’

“Di ba, lagi niyang sinasabi, ‘This is for the Philippines!’

“So, sana tayo rin, isipin rin natin na hindi lang siya pumunta dun para sa sarili niya.

“Pumunta siya dun para sa bansa natin.

“At para magkaroon ng honor, magkaroon ng pride ang mga Pilipino, especially abroad.

“Yung makita nila yung sarili nila na, ‘A, kahit pala malayo tayo sa bansa natin, pag may dumating pala na isang Pilipina na nagiging representative natin, ang sarap pala ng pakiramdam!’

“Na, ‘We identify ourselves with the person na nandoon na nagko-compete para sa bansa.”
 
MO TWISTER. Ano naman ang masasabi ni Venus tungkol sa pagbatikos ni Mo Twister kay Ariella dahil sa sinabi ng huli tungkol sa Latina beauties?

Tumawa muna si Venus bago sumagot.

Aniya, “Iyon nga, it’s unfortunate na nagsimula yung isyu sa bansa rin natin, or within the Filipino people. It’s sad.

“Kasi lagi kong sinasabi, kung ibang bansa ‘yan, talagang tulungan sila.

“Sila mismo, kung mas may pangit na kailangang ayusin, tulungan natin.

“Tulungan natin in a way na puwede tayong magbigay ng advise, puwede tayong magbigay ng siguro puna.

“Pero yung hindi makakasakit ng kapwa.

“I know Ara understood the fact na dapat hindi niya sinabi yung ganito, dapat sinabi niya yung ganito.

“Pero, alam naman natin na medyo mahihirapan siya ng kaunti, sana tulungan na lang natin.

“Sana imbes na magsabi ng hindi magaganda tungkol sa kanya, yung magkaisa tayo.

“Para… okay, kung gusto mo na maging maayos siya, then train her.

“Then give at least mga few pages of papers na puwede niyang basahin, na puwedeng may matutunan siya out of that.

“Seryoso naman yung tao sa pagpunta sa international pageant, at alam natin na napakalaking responsibilidad nun para sa kanya.

“Hindi lang iyon basta-basta,” pahayag ni Venus. -- Rommel Gonzales, PEP



advertisement
advertisement
advertisement