GMA News Online
Public Affairs
»
Pinoy MD

Pinoy MD

Los Viajeros ng 'Eat Bulaga,' magbabahagi ng fitness secrets sa 'Pinoy MD'

November 21, 2013 12:43pm


Kinakikiligan araw-araw, lalo na ng mga misis, ang Los Viajeros; ang mga matitipunong model na parte ng Trip na Trip segment ng noontime show na Eat Bulaga.  Para manalo, habang naka-piring ang mga mata, kailangang hanapin at lapitan ng mga babaeng contestant ang South African model na si Donovan Prince at Brazilian personal trainer na Pedro Fernandez. Hinahangaan ang ganda ng hubog ng katawan ng hunks na ito, pero ang paborito ng kanilang fans… ang kanilang abs!  Ang sikreto ng Los Viajeros boys para maging fit, abangan sa Sabado.

Nagkakaisa ngayon ang bayan para tulungan ang mga survivor ng super typhoon Yolanda.  Gobyerno man o mga private citizen, ginagawa ang lahat ng makakakaya para makapaghatid ng pagkain at tubig sa mga nasalanta.  Dahil sa wakas ay unti-unti nang natatanggap ng mga nangangailangan ang relief goods, sunod nang dapat pagtuunan ng pansin ang mga gamot at iba pang tulong medikal.  Kaisa ang ilang volunteer doctors, inilunsad ng Pinoy MD ang isang medical mission para ilan nating mga kababayan nating ito. 

Kasabay ng paglamig ng panahon, ang pagkakaroon natin ng mga simpleng sakit gaya ng sore throat.  Pero ang pamamalat pala at pangangati ng lalamunan, maaari palang senyales ng mga mas malalang problema.  Ang mga solusyon at posibleng komplikasyon ng sore throat, tampok namin sa Sabado.



Dahil tila parami nang parami ang ating pinagkakaabalahan, karaniwan nang “instant” ang inaasahan nating pagkain.  Pero di naman daw kailangan magpaka-martir sa kusina para makapaghanda ng masustansiyang putahe, ayon sa mga food expert.  Kinse minutos nga lang daw at kaunting tiyaga, mayroon ka nang masarap pero masustansiyang handa.

Anumang panahon, importante na sama-sama nating unahin ang kalusugan.  Manood ng Pinoy MD kasama sina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias, 6 to 7 am, Saturday morning.
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Pinoy MD on Facebook
Pinoy MD on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement