GMA News Online
Public Affairs
»
I-Witness

I-Witness

"Mga Yaman ng Guyangan": dokumentaryo ni Jay Taruc sa 'I-Witness'

March 12, 2014 7:44pm
“MGA YAMAN NG GUYANGAN”
Dokumentaryo ni Jay Taruc
Airing date: March 15, 2014



 
Death is inevitable. And so our ancient ancestors probably embraced it by performing rituals to ease the crossing over of their loved ones to the other side.
 
Evidence of these were found all over the world, including the Philippines, with discoveries of unique fossils and artifacts. Potteries, small wooden coffins, ceramic jars, accessories, deformed skulls, and many others have been found alongside the burial sites, indication of funeral practices and burial customs.
 
One such unique find is the “ikat,” a piece of fabric declared by the National Museum to be the oldest burial cloth in the Philippines, and probably in Southeast Asia.
 
It was found in the 1960s in the remote island of Banton, Romblon. In fact, many artifacts were found in the caves and open fields there. And just recently, a jar of unknown origin has been discovered buried inside a pit in one of the caves.
 
But the unique jar has suffered "a fate worse than death", as far as cultural artifacts go. At present, some parts of the jar, such as its cover, are in the possession of people who think that making money is more important than preserving culture and understanding the past.
 
Join Jay Taruc and his team as he explores the mountains of Guyangan in Banton Island in his journey to the world of the dead this Saturday on I-witness.
 
Filipino version:


 
Ang kamatayan ay hindi mapipigilan. Dumarating ito sa bawat nilalang . Walang pinipiling oras, walang pinipiling araw. Marahil ito ang natutunan ng ating mga ninuno kaya nagsagawa sila ng mga rituwal para sa kanilang yumao upang bigyan ito ng maganda at maayos na paglalakbay tungo sa kabilang buhay.
 
Patunay dito ang mga nahukay na mga kalansay, bungo, banga, kabaong, personal na gamit, at marami pang kagamitan  sa iba't ibang lugar na pinaglibingan ng ating mga ninuno. Maging ang Pilipinas ay may ganitong kaugalian bago pa man dumating ang mga Kastila.
 
Ang isa marahil sa pinakamahalagang nadiskubre ay ang tinatawag na “ikat” o telang ibinabalot sa yumao. Natagpuan ito sa isang kuweba sa Romblon at pinaniniwalaang pinakamatandang "ikat" sa buong Pilipinas. Naideklara ito bilang “National Cultural Treasure” noong 2010 at kasalukuyang nasa pangangalaga ito ng National Museum.
 
Ngunit ayon sa mga eksperto, marami pa raw na katulad na gamit na matatagpuan sa Romblon na itinuturing na isang malaking “archeological site.” Kayat tumulak ang I-Witness team sa lugar upang puntahan ang mga kuwebang sinasabing pinag-imbakan ng sinaunang mga kalansay at kagamitan.
 
Pagdating sa isla, natuklasan ng grupo na hindi lamang pala ang artifacts ang nagkapira-piraso kung hind imaging ang mga paniniwala at kultura ng mga residente rito.
 
Samahan si Jay Taruc sa paglakbay sa mundo ng mga patay ngayong Sabado sa I-Witness.
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
I-Witness on Facebook
I-Witness on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement