GMA News Online
NewsTV
»
Tonight With Arnold Clavio

Tonight With Arnold Clavio

Mayor Bistek at Vice Mayor Isko, bumisita sa 'TWAC'!

April 7, 2014 1:32am



SI MAYOR BISTEK AT VICE MAYOR ISKO
April 9, 2014
10:15 pm  - 11:00 pm

 
Ang kanilang mga nasasakupan sa kani-kanilang lungsod, kung tawagin sila ay 'Vice' at 'Mayor'!
 
Pero sa "Tonight with Arnold Clavio," ititigil daw muna nila pansamantala ang pulitika! Isko at Bistek na lang daw ang itawag natin sa kanila!
 
Kung sa kani-kanilang mga siyudad ay seryoso ang kanilang imahe, sa "TWAC", isang no-holds barred na kuwelang kuwentuhan ang mapapanood ngayong Miyerkules.
 
Dalawa sa mga mas nakababatang public servants na parehong nagsimula sa showbiz bago nanilbihan sa gobyerno—iyan sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Manila Vice Mayor Isko Moreno!





Totoo nga bang nagkaroon ng alitan o professional rivalry ang dalawa? Sasagutin nila iyan sa kanilang paghaharap sa "TWAC".
 
Kung pagalingan naman sa pag-arte ang pag-uusapan, sino kaya ang mananaig sa kanila? Sino naman ang mas mahusay sa kantahan?
 
Aamin na kaya si Mayor Herbert tungkol sa relasyon nila diumano ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino?
 
Magkakabukuhan na ngayong Miyerkules!
 
Makigulo at makipagkulitan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!

I-like din ang aming instagram page, @TWACofficial!
 
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook:www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio.




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Tonight With Arnold Clavio on Facebook
Tonight With Arnold Clavio on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement