GMA News Online
Public Affairs
»
Imbestigador

Imbestigador

Pag-aamok ng isang lalaki sa Caloocan, siniyasat ng 'Imbestigador'

April 10, 2014 4:29pm

Tags: pr story


IMBESTIGADOR
APRIL 13, 2014
AMOK


Araw ng kasiyahan pero nauwi sa karahasan. Sa Barangay Bagumbong, Lungsod ng Caloocan, masayang nagdiriwang ang dalawang pamilya ng kaarawan ng kanilang mga kaanak noong November 4, 2012. Pero sa gitna ng kasiyahan, umalingangaw ang putok ng baril at sa isang iglap, lima ang napuruhan habang tatlo pa ang nasugatan.

Ang suspek– si Rolly Rapiz, tatlumpu’t tatlong taong gulang. Sa loob ng kanilang bahay, pinaslang ni Rolly ang kaniyang live-in partner. Matapos nito, lumabas siya ng kanilang tahanan at walang habas na nagpaulan ng bala sa labas ng bahay. Sinuyod ni Rolly ang mga nagkakasiyahang kapitbahay. Namatay ang mismong may kaarawan at padre de pamilya sa isang bahay. Sa kabilang bahay naman, tatlong bisita ang nadamay.

Nahuli ang suspek at kasalukuyang nakapiit sa Caloocan City Jail. Ano ang mga kuwento sa ginawang pag-amok ng suspek na si Rolly? Bakit humantong sa trahedya ang dapat sana’y masayang araw ng magkakapitbahay?

Sa natatanging pagganap ng batikang aktor na si John Regala bilang Rolly at Klaudia Koronel bilang kaniyang live-in partner, sundan ang kuwento ng Amok sa Caloocan ngayong Linggo ng gabi sa Imbestigador pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!

Tags: pr story



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus