Pinakamabigat na Pinoy boxer
Ang korona sa middleweight division (145 lbs-160 lbs) ang pinakamabigat na debisyon sa boxing ang naabot ng isang Pinoy noong 1939 sa katauhan ni Ceferino "The Bolo" Garcia. Sumikat si Garcia, ipinanganak sa Tundo, Maynila, dahil sa pinauso niyang pamatay na suntok na tinawag na âbolo punch." Nakuha ni Garcia ang korona sa middleweight kay Fred Apostoli sa New York noong Oktubre 1939. Dalawang ulit naidepensa ni Garcia ang korona sa dalawang Amerikano na sina Glen Lee at Henry Armstrong bago natalo kay Ken Overlin sa pamamagitan ng desisyon noong 1940 na ginanap sa US. Bago ang kampeonato sa middleweight, inagaw muna ni Garcia ang koronang hawak ng paborito at kinikilalang boxing legend at war hero na si Barney Ross para sa welterweight division noong 1937. Nang magretiro noong 1945, pinili ni Garcia na manatili sa US at doon na nagkapamilya hanggang sa pumanaw taong 1981 sa edad na 77. Si Garcia ay mayroon boxing record na 116 laban, 57 dito sa pamamagitan ng knockouts, 24 decisions, 9 tabla at 20 talo. Kasama ang pangalan ni Garcia sa mga pinarangalan sa Ring Magazine Hall of Fame at World Boxing Hall of Fame.-GMANews.TV